Question po 10k na po yung takbo ng Puring ko pero hindi ko po kasi alam kung...

Question po: 10k na po yung takbo ng Puring ko, pero hindi ko po kasi alam kung every kelan ang suggested na Change Oil, so ginagawa ko po once a month kahit 500km pa lang ang takbo? Okay lang po ba yun or aksayado sa Change Oil? Tapos nabasa ko po sa isang nag-post about sa Oil na gagamitin, nakita ko rin don kay Puring yung nakasulat na 10W - 40, ano po ba yun? Kasi ang gamit ko pong oil ever since e yung Shell Advance AX5 (Yellow) tapos nabasa ko kanina lang 15W - 40 sya, so okay lang po ba yun? Or kailangan ko magchange to 10W - 40? Or too late na dahil antagal ko na gamit yung oil na yun? Thanks sa sasagot po.

0 comments