ISA PONG PAALALA SA LAHAT

netboard

ISA PONG PAALALA SA LAHAT!

Ang Kawasaki Fury 125 page ay samahan ng mga motorista na ang layunin ay mapag isa ang bawat mananakay ng motor, makapagusap at makapagbigay ng kani-kaniyang opinyon patungkol sa mga katanungan at nais ibahagi sa ating samahan.

Napapansin lamang po namin ang mga sumusunod:

1. Paglalagay ng mga katanungan na wala namang bahagi sa ating page.

2. Pag post ng mga napagusapan sa ibang page at dito magkakaroon ng mga opinyon na minsan ay nagkakaroon na ng mga masasamang mga usapan at di pagkakaintindihan.

3. Pagbebenta ng mga tinitinda, pwede naman magpromote sa pamamagitan ng pagbibigay ng link sa mga taong naghahanap ng mga kailangan nila sa kanilang motor.

4. Pagsasalita ng hindi magagandang mga salita tulad na pagmumura, pambabastos, at di tamang pagsagot sa mga katanungan na kung saan pinagmumulan ng hindi magandang usapan na nababasa rin ng ilang mga kabataan.

5. Pag post ng mga pictures na hindi related sa ating page tulad ng mga bastos na larawan at iba pa.

6. Ang palagiang pagkukumpara ng bilis at lakas ng ating motor o motor ng ibang tao na wala namang magandang idudulot sa ating mga usapin.

Ilan lamang ito sa mga napapansin namin dito sa page na kung saan hindi naman marapat nating ginagawa o pinaguusapan.

Laging tandaan..,ang salitang RESPETO ay napakahalaga.

Aming pong buburahin ang mga usapan o posted pictures o hindi related na usapan sa atinng page. Maraming salamat po sa pag-unawa.

ADMIN

%d comments