Dear Furians

Dear Furians,

Ngayon lng ako magpopost pero kailangan ko talaga ng advice ninyo tungkol sa isang napakahalagang desisyon na aking gagawin.

Alam nyo kasi matagal ko ng pinagdududahan ang GF ko. Marami na kasing signs. Pag nagriring ang phone nya at sinagot ko walang may nagsasalita sa kabilang linya. Lagi sya lumalabas kasama ng mga "kaibigan nyang babae" pero pagtinatanong ko kng sino sasabihin lng nya na mga kasama nya sa trabaho at di ko kilala. Minsan pag ginagabi sya di sya bumababa ng dyip sa tapat ng bahay kundi naglalakad sya galing sa kanto. Hindi ko pa sya kinakausap tungkol dito. Marahil ay ayaw ko lng malaman ang katotohanan. Ngunit kagabi nang ginabi sya,ay nag kalakas ako ng loob. Itinabi ko ang aking bagong KAWASAKI FURY 125 sa gilid ng waiting shed upang doon sya abangan at ng makita ko kung may naghahatid nga ba sa kanya. Habang nakayoko ako at nagtatago sa aking bagong motor eh ngayon ko lng napansin na may tumatagas na OIL sa valve cover ng makina. Ang tanong ko po eh kaya po bang ako lng ang mag aayos nito o kelangan ko itong ibalik sa dealer?

0 comments