bakit may mga engot na riders nasabi ko lang naman kasi first time kong...

bakit may mga engot na riders? nasabi ko lang naman kasi first time kong sumemplang.

tumawid ang isang manong na akay-akay ang mio nya, ewan kung may sira o kung ano man kaya di nya sinakyan. biglaan ang pagtawid nya pero makukuhang iwasan. may nauuna sa akin na motor, parehong naiwasan namin si manong. ang problema, etong nauna sa akin. nung nakalagpas kay manong biglang namreno para magalit dun kay manong na biglang tumawid. eto ako kasunod, kelangan kong mamreno kaso nag-skid ang harap na gulong ko na naging dahilan para sumemplang ako kahit mabagal lang takbo ko. walang gasgas ang fury ko pero ako may maliit na gasgas sa braso at paa. yung buong bigat ni puring tumumba sa hita ko kaya wala syang katama-tama pwera lang ang natanggal na side mirror dahil tumama sa dibdib ko. ayun, di na maikabit!

sa mga may pinagpalitan na side mirrors ni puring, baka naman po pwedeng ma-hirit ng budget meal yan. kaliwa po kelangan ko. nova-qc,-north caloocan po area. mas nagagandahan po kasi ako kung all stock. maganda rin naman yung devil side mirrors kaso sanay akong tingnan si puring ko na stock lahat eh! hehehe!

ride safe mga ka-furians!

0 comments